Aking Paraan ng Pagdarasal!🙏

avatar
(Edited)

Hello World!👋

prayer-2544994_1280.jpg

Source
Ito po ang review ko sa paliwanag ni Brother Eli Soriano.

Sang ayon po ako sa ipinaliwanag ni Brother Eli Soriano. Salamat po sa pagpapaliwanag.

Filipos 4:6
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

Opo naniniwala po ako na kapag nagdarasal dapat may faith at naniwala rin na darating o makukuha mo rin iyon sa tamang panahon o may mas maganda pang ibibigay ang diyos sa iyo.

Hebreo 11:6 At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.

Naniniwala rin po ako pwede magdasal kahit saan dahil ganoon rin po ang ginawa ng ating panginoon na si Jesus nagdadasal po siya kahit saan siya magpunta o ano mang gawin niya.

Ang mga iyan po ang ginagawa ko kapag ako ay nagdarasal, kadalasan po sa isip po talaga ako nagdarasal at bago po ang lahat ng hihilingin ko humihingi po muna ako ng tawad at iligtas ako at aking buong pamilya sa mga kalamidad o anong mang masama.

Ganto naman po ako kapag magdarasal, maigsi lang po ito:

"Panginoon patawarin ninyo po ako at ang pamilya
ko,patnubayan ninyo rin po kami sa araw araw na
aming gagawin at tulungan mo po kaming magawa
o malampasan ang bawat problema na dumarating
sa amin at maging matibay kami o makayanan pag
andito na ito.Maraming Salamat po panginoon sa buhay na binigay ninyo sa araw na ito. In Jesus name Amen."

Kaya ko rin po inuuna ang paghingi ng tawad dahil hindi po natin alam kung anong araw o oras tayo biglaang mawala at makatutulong rin po ito na ang ating sarili at kaluluwa ay handa kapag dumating ang oras na mawala tayo sa mundo at harapin ang Diyos.

Maraming Salamat po sa inyong pagbabasa at naway tulungan po tayo ng ating panginoon na si Jesu-kristo na magawa ang mga bagay na kailangan nating gawin at protektahan niya tayo kung saan man tayo pumunta.

God bless po🙏😇

Bye!👋



0
0
0.000
6 comments
avatar

-Keep it up @czander Anak! Continue to offer your life to God, isipin mo palagi na gawin and mabuti para sa lahat, at ang faith mo sa iisang Diyos in Jesus name ang pinakamalaking bagay na dapat manatili sayo sa lahat ng pagkakataon!. God bless you always! Have a blessed evening!🙏💕🤗

!Hug

0
0
0.000