PANALO PA RIN AKO, ANAK KO!

avatar
(Edited)


inbound4645663300165725698.jpg
Ako at mga apo ko.

Mahal kong Anak,

Noong akoy nagdadalantao
Ikaw ay nasa sinapupunan ko
Kahit bata pa ako
Damang dama ko
Ang pagiging nanay mo

Hindi ko pangarap mg asawa
Ngunit nang dumating ka
Ikaw ay isinilang ko
Mundo ko'y nagbabago
Palaban ako kahit ano ano

Ayaw kitang iwanan
Bitbit kita sa pagtatrabaho ko
Dahil mahal na mahal kita
Ngunit tadhana ay mapagbiro
Hindi sadyang pinaglayo
Pero ang puso ko
Ikaw palagi nakatago

Ngayon ANAK KO, masaya ako
Kahit pitong taon lang
Tayong ngkasama ng diretso
Ngunit nariyann ka pa rin
Na minahal ako

Sa kabila ng lahat
At ang pinakamagandang
Regalo mo sa akin
Ay ang BABAE KONG APO
Na nagpasigla lalo sa buhay ko
Para lalo akong matatag

Harapin ang hamon
Sa mundong ito
Hwag kayong mag alala
Andito ako para sa inyo
Sa simpleng buhay
Manatili tsuong buhay
Sabay ang Paniniwala
Sa Poong Maykapal

Ang buhay ng pamilya mo
Ay iniisip kong itoy
Tunay na panalo
HIGIT PA SA ISANG MILYONG PESO
MAHAL NA MAHAL KO KAYO

#chrisdev
#isciadev
#oliviadev
#manilyn
Source/sarili kong tula

Nagmamahal,

@olivia08



0
0
0.000
0 comments