POETRY WRITING CONTEST IN TAGALOG, MY ENTRY: DIANE

avatar

Haloo mga Kabayan,

Ito ang aking tula:

DIANE

IMG_20200601_142957.jpg

Ang tulang ito ay tungkol kay Diane. Si Diane ay aking kaibigan sa Olongapo City. Nakilala ko noong panahon ng kampanya ni Pres Joseph Estrada. Secretary si Diane sa grupong Erap para sa Mahirap. Batang bata pa siya noon Ako'y hanga sa kanya dahil malinis at fashionista, naka high heel, completo burloloy sa katawan simply pero ka hanga hanga. Siya ay nag tapos ng kursong Psychology.

Dahil sa ako'y busy na sa aking puesto sa palengke sa Judy's House of Crafts bihira na lang kami mag kita ni Diane. Mga tatlong taon nakalipas nagsara ako ng tindahan ko upang tumulong sa hanapbuhay ng asawa ko at may dinaramdam na rin ako sa aking katawan, malimit kaming mag asawa ini imbintahan makinig ng BOM - business Opportunity Meeting tuwing gabi sa mga fast food, nagkita kaming muli ni Diane. Nalaman ko na nasa Insurance naman siya at ako'y inaakit niyang maging ahente ng nalaman niyang naging ahente ako ng Grepalife at hawak ko yong insurance ng sa Golf Course. May edad na si Diane walang anak at may dinaramdam na kanyang asawa may problema sa tainga.

Ako'y naging Center Chief sa isang grupo ng mga nanay na layunin mai angat ang kabuhayan pina pa utang kami ng limang libo kada linggo ang hulog at meeting, biente ka nanay ang hawak ko, sinali ko si Diane. Natapos namin yong aming lingohang hulog pero sumakit ang ulo ko sa pag abono. Kaya huminto ako, doon na umpisa pumuti ang buhok ko.

Diko alam may problema na pala si Diane. nakita ko siya lagi sa estasyon ng Victory Liner Bus, doon ko nalaman na may bukol pala siya sa dede, ngunit wala siyang perang pang pagamot. Wala na siyang tirahan, doon na lang natutulog. Yong kanyang asawa ay hinatid niya sa Manila sa kapatid para may mag alaga. At si Diane bumalik sa Olongapo nanghihingi na lang ng pagkain sa mga kaibigan.

Yong panahon na yon ako'y gumagawa ng bonnet para sa mga nakakalbong kakababaihan matapos ang kanilang session ng chemotheraphy. Nabigyan ko si Diane ng ilamg beses.

Minsan bigla siyang pumunta sa amin at naki usap na doon muna matulog, pero maliit lang din ang aming bahay kaya doon na siya sa labas. Ako'y awang awa na sa kanya e wala din naman kaming pera pagkain lang ang maiabot ko.
Kaya bigla kong naisulat ang tula.

Simula noon di na siya bumalik sa amin. Ako'y nag alala sa kanya, nag ikot ikot ako sa Olongapo di ko na siya nakita.

Isang araw nag kita kami sa palengke ni Josie, kaibigan namin ni Diane. Siya ang nag sabi na patay na si Diane at siya ang nagpalibing. Wag na daw me mag alala at kahit papaano meron itong maayos na kinalalagyan sa kanyang huling hantungan. Ngunit di namin maiwasan napag usapan kung sino ang kanyang kapamilya.

Ito yong original kong post sa FB.

IMG_20200601_141625.jpg

Salamat sa pagbasa...

Thanks for passing by...

received_709825929767277(1).gif



0
0
0.000
8 comments
avatar

Nalungkot naman ako. :( Pero kahit papaano, alam natin na tapos na ang mga paghihirap ni Diane. Sana ay masaya siya sa kinaroroonan niya ngayon.

0
0
0.000
avatar

Oo sobrang lungkot no one in her side.kahirap tumanda no perang ipon. Yan yong lessons at pakikitungo sa kapwa, sa familia at kamag anak.

0
0
0.000
avatar

May kirot sa puso ko ang tula mo @jurich60. Madami akong kakilala na ganyang ang nangyari. Sa kabilang banda nairaos din ni DIANE ang paglalakbay niya sa mundong ito.

We are just passers-by in this world and we have to make the most out of it lalo na ang pakikitungo sa kapwa at magtabi ng kahit paano para sa sarili at kinabukasan. Salamat sa tula mo kapatid a lesson learned for all of us.

0
0
0.000
avatar

Bitaw Sis, need meron tayong nakalaan for ourself if wala mo seek ug help, gitago tago niya kasi situation niya.

0
0
0.000
avatar

Ipanalangin natin si Diane. Salamat sa pagbahagi ng iyong tula. Nais ko din malaman mo na ikaw ay mabuting halibawa sa tamang pakikipagkapwa tao. Karamihan ay iiwasan ang mga tulad ni Diane ngunit ikaw ay mapagmalakasakit na kaibigan.

0
0
0.000
avatar

Awa talaga me sa kanya.Prayers for her until now

0
0
0.000
avatar

Makabagbag-damdamin po ang ang iyong tula at kwento kay Ate Diane. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng maayos na pamumuhay at mga nakamit na tagumpay, ganyan po ang kanyang kinahahantungan. Napakalugkot ang reyalidad na hindi lamang si Ate Diane ang nakakaranasa niyan. Dahil maraming tao ang tiyak na nasa ganyang sitwasyon ngayon. Sana po'y nasa kaharian siya ng Panginoon ngayon at nahanap ang kapayapaang nararapat sa kanya.

Maraming Salamat, Ate Judy sa pagbabahagi mo ng napakagandang tula na ito. Hinaplos po ng iyong kwento ang aking puso.

0
0
0.000