MAPAGSAMANTALA ni diosarich [Orihinal na Tula]

in Pilipino4 months ago (edited)

image.png

MAPAGSAMANTALA

Hinuha kong ikaw ang magbibigay liwanag
Sa nauupos kong pag-asa na wala ng sinag
Di ko sukat akalain na ako'y iyong itulak
Ibaon sa dusa at lalong nalugmok sa lusak
Ang iyong ginawa ay sobrang sakit
Sa aking himaymay at puso ay nakaukit

Iniisip kong ako ay mapalad
Ngunit pag-ibig mo pala ay marupok at huwad
Inakalang pagsuyo mong totoo at malaya
Nilinlang mo lang ang puso ko, ikaw na mapagsamantala
Sa natutulog kong damdamin na nagtiwala
Lapastangan sa tulad kong mahina

Pinagmamasdan ang paghampas ng alon
Ng magawi ako sa dalampasigan isang maulang hapon
Dito sa tabing dagat kung saan
Gumuho ang mga pangarap at sumpaan
Katulad ng kastilyong buhangin
Namatay at natatangay din ng hangin

Tulang Orihinal ni @diosarich



☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆ ☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆


☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆ ☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆

Sort:  

Ang lalalim.ng mga tagalog. Nice po

hello Sis! Mababaw lang yan sis kaya maiksi 😉 Salamat sa pagdalaw

Wow! Ka heavy oy ganda siya Sis @diosarich...kadamu ng gawan ug musika oy.

Thank you, sis @jurich60. Sige nga gawan mo melody itong poem ko :)

Another masterpiece from you ate.

Thanks, bro and for visiting my post. God bless you.

Keep on posting ate.. God Bless

Makaiiyak at nakadudurog na pusong tula ng pagmamahal at pagiibigan. Salamat sa pagbabahagi nito.

Salamat sa pagdaan. Salamat din at nagustuhan mo ang aking tula