📷 MacroPhotography: Vine Hawk Moth Caterpillar🐛

avatar
(Edited)

image.png

Magandang araw sa ating lahat. Sa aking pahahanap noong mga nakaraang Linggo ng bagong kukunan ng litrato nakita ko ang isang kakaibang uod na ito. Nasarapan ata sa pagkain ng dahon ng Gabi (Taro Leaves) dahil wala ng natira. Nakatingin sakin at di man lang kumurap. Aba! di na ako nag atubiling kunan ng sandamakmak na pitik sa cellphone makakuha lang ng magandang angulo.

image.png

Diko man alam ang pangalan ng uod nato pero nagtanong ako sa ating kaibigang si google. Sumagot naman, ang sabi Vine hawk month caterpillar daw ang pangalan. May hawig siya kay Oleander hawk moth caterpillar na halos parehas lang pero mas mabait ang mukha ni Vine hawk, si Oleander kasi parang galit ang mga mata. Kung di kayo maniwala pwede niyo tanong sa ating kaibigan na si google. Para makita niyo ang pagkakaiba.

image.png

Ito ang backyard story ko sa ngayon, sana magustohan niyo. Maraming salamat, hanggang sa muli. God Bless and have a great day

Vine Hawk Moth Caterpillar🐛

(Hippotion celerio)🦋
Family: Sphingidae

Photos are mine and taken by me using my A10s
📍 Taken at San Fernando City, Philippines, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


image.png



0
0
0.000
0 comments