MCGI TOPIC REVIEW: Pagliligtas ng Dios, gaano kalawak? ππ€π
Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! π
Unang una sa lahat, labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa tuwing meron akong replekayon na ibinabahagi ay patuloy pa rin akong nakakatanggap ng suporta mula sa Community Admin at mga curators.
Kung kaya masaya ako sa lahat ng mga nangyayari at ngayon masaya din akong magbahagi ng aking panibagong repleksyon sa linggong ito, at masaya akong ibahagi ito sa inyong lahat.
Ngayon nga ay, magbabahagi ako ng aking repleksyon sa isa sa mga topic na ibinahagi sa YouTube Channel ng MCGI Cares Community, na merong pamagat na, "Pagliligtas ng Dios, gaano kalawak?"

Isang linggo na nga noong nagbahagi ako tungkol sa kung ano ang pakinabang kung tayo ay mapanalanginin, at nagpapasalamat ako sa Dios dahil marami talaga akong natutunan.
Ngayon nga ay isang magandang topic na naman ang ating pag-uusapan at ito ay tungkol sa kung gaano kalawak ang pagliligtas ng Dios sa ating lahat sa mundong ito.
Hindi natin maikakaila na tayong lahat ay hindi magtatagal sa mundong ito dahil na rin sa mga ginawa nating mga kasalanan, maaring hindi tayo maliligtas o mapupunta sa kaharian ng Dios sa langit.
Subalit ang Dios natin ay gusto Niyang tayong lahat ay maligtas kahit pa nga sa mga taong hindi nakapakinig sa utos ng Dios o kapaluob sa isang Simbahan.



Sa makabagong mundong ginagalawan natin ngayon, kahit saan ay nakakalita o nakakarinig tayo ng mga Salita ng Dios o sa Kanyang utos kung kaya hindi tayo exempted sa hatul ng Dios.
Kung tayo ay nakapakinig na sa utos ng Dios at hindi tayo sumasalampataya sa Kanya, kung hahatulan tayo, hindi talaga tayo maliligtas subalit kung tayong nananampalatay sa Dios ng buong puso, tayo ay maliligtas.
|
|---|
Sa tanong, paano naman ang mga taong hindi pa nakapakinig ng Salita o ng utos ng Dios? Ang sagot dito ay hindi sa kung sino ang nakarinig kundi kung sino ang gumagawa ng utos kahit pa hindi pa nila narinig ang utos ng Dios.
Maraming mga taong hindi pa nakapakinig ng mga Salita o utos ng Dios tulad na lamang ng mga bingi at pepe, mga taong hindi pa naaabot ng makabagong teknolohiya.
Itong mga taong ito ay hindi pa nakakarinig o nakakita sa mga utos ng Dios o kaya hindi pa naka anib sa isang Simbahan, subalit sila ay gumagawa ng mga utos mula sa kanilang mga puso, sila ay tiyak na maliligtas.



|
|---|
Kung ating titignang mabuti, ang Dios natin ay patas sa lahat at gusto Niyang tayong lahat ay maligtas, kahit pa man ang mga taong hindi pa nakapakinig sa utos ng Dios.
Ayon sa Salita ng Dios na ating mababasa sa itaas, sa nangangatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa ating mga puso. Ibig sabihin na kahit pa sa mga taong hindi pa nakapakinig sa Salita ng Dios o ng Kanyang utos, ay maliligtas kung gumawa ito ng mga kautusang nasusulat sa puso.
Kailangang isapuso natin ang kahit na anomang utos na gustong ipagawa ng Dios sa atin. Kung hindi pa tayo nakapakinig, gumawa tayo ng mga bagay na mabuti na gusto ng Dios.


Walang pili ang Dios sa Kanyang kaligtasan sa bawat isa kung kaya kahit na ang mga taong wala pang Dios at ni hindi pa nakakita o nakarinig tungkol sa Dios subalit gumagawa ng utos na galing sa kanilang mga puso, ang lahat ay maliligtas.
Para naman sa aking huling masasabi tungkol dito, masasabi ko na talagang mahal tayo ng Dios at ayaw Niyang tayo ay mapahamak at hindi maliligtas. Siya ay Dios na patas sa lahat at hindi Niya tinitiganan ang kung anomang sitwasyon sa ating mga buhay.
Kung kaya masasabi ko na manatili tayong tapat at mananampalataya sa Dios ng buong puso hanggat tayo ay nabubuhay pa. Kailangang ibigay natin ang ating buong buhay sa Dios magpa kailan man.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Pagliligtas ng Dios, gaano kalawak?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.
To God be all the Glory! ππβοΈ
Your Friend
@godlovermel25

Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.