Siya Lamang Ang Tunay At Ganap Na Makapagpapagaling Sa Iyong Nasaktang Puso.

avatar

image.png

Lahat tayo nagdadaan sa pagsubok at hirap. Minsan iba’t ibang lalim, pero sigurado na dadaan tayo dito dahil parte ito ng journey ng buhay natin bilang tao. Halimbawa lahat tayo may mahal sa buhay, at gusto man natin o hindi, darating ang isang araw na mawawala ang isang mahal natin dahil tapos na ang oras nila sa mundo.

Maaari ay kung nagdadaan ka sa ganitong klaseng Pain ngayong araw ay hindi mo maintindihan kung bakit kailangan tayo dumaan sa paghihirap. Kung bakit hindi masaya nalang sana tayo lagi. Ang sagot dito ay “dahil nandito pa tayo sa mundo natin.”

image.png

Simula ng nagkasala si Adan at Eva, naging cursed ang mundo natin, hindi na ito perpekto. Halimbawa bago sila nagkasala, pwedeng magsama ang kahit anong hayop at pati ang tao kayang kalaruin ang isang lion. Pero dahil sa kasalanan, nawala ang perfect relationship ng lahat ng nilikha ng Panginoon. Kaya ang hayop ay nagkaroon ng mga predetors, tapos tayo kailangan natin maghirap magtanim o maghunt ng hayop para makakain.

image.png

Dahil dito, nagkaroon ng sickness, pain, at death. At hanggat nandito tayo sa current world natin, patuloy tayo makaka-experience ng sickness, pain, at death. Pero balang araw kung bumalik na si Hesus, at binago na Niya ang lahat sa New Heaven at New Earth, wala ng sickness, pain, death, at sin doon kaya perpekto na lahat. Kaya sana dito tayo nakafocus, na balang araw mabilang tayo sa mga makakapunta sa New Heaven at New Earth, at NAG-IISA lang ang paraan na makapunta tayo dito - kung meron tayong GENUINE SAVING FAITH KAY HESUS.

image.png

Pero dahil sa grace, love, at mercy ng Panginoon, kahit makasalanan tayo ay tinutulungan padin Niya tayo kahit nandito pa tayo sa mundo natin. Kung lalapit tayo Sakanya ay iheal Niya ang broken hearts natin sa pamamagitan ng pagcover sa atin ng Presence at Love Niya na magbibigay sa atin ng Genuine Hope for the best future.

image.png

Lumapit kay Hesus ngayon. Siya lamang ang tunay at ganap na makapagpapagaling sa iyong nasaktang puso. Huwag ipagpatuloy ang pamumuhay bilang biktima ng kasalanan, sakit, at pagkasira. Hayaan si Jesus na tulungan kang makawala sa kulungan na kinaroroonan mo ngayon dahil Siya lamang ang tunay na makapagpapalaya sa iyo mula sa mga epekto ng kasalanan at sa paghuhukom na kakailanganin mong harapin dahil sa iyong kasalanan. Si Hesus ang Tanging Nag-iisang tunay na makapagbibigay sa iyo ng pag-asa na tiyak dahil Siya ang Maylikha ng lahat ng bagay at lahat ay nasa Kanyang Kamay upang tayo ay makatiyak

image.png

Photos are mine and taken by me using my A10s
@ San Fenando City, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


image.png



0
0
0.000
0 comments