KAYANG PAGPALAIN KA NG DIYOS NG SAGANA UPANG TAYO'Y MAGBIGAY NG KALUWALHATIAN SA DIYOS.

avatar

image.png

Nais tayong paalalahanan ng Panginoon ngayong araw ng tatlong bagay: (1) Una, ay kailangan natin basahin ng buo ang Salita Niya, (2) Pangalawa, nais Niya tayong ibless, (3) Pangatlo, binebless Niya tayo para maging blessing tayo sa iba.

image.png

Ang problema ng nakararami sa atin ay huhugot nalang tayo ng verse o parte ng verse tapos panghahawakan natin na “galing” sa Panginoon o “pangako” ng Panginoon. Kinakailangan natin siguraduhin na tama ang contexto o tunay na ibig sabihin ng passage na pinanghahawakan natin dahil kung hindi ay walang halaga ang pinanghahawakan natin dahil malamang hindi ito galing sa Panginoon.

image.png

Magandang halimbawa ang verse natin ngayong araw. Madami sa nagquote sa 2 Corinthians 9:8 ay ang kinukuha lang yung unang parte na “God is able to bless you abundantly”. Kine-claim ito ng marami na ibless sila ng Panginoon. Lalo na sa mga “church” na ang focus ay prosperity. Madalas panay ang blessing na tinuturo nila ay pera, materyal na gamit, o kayamanan.

image.png

Pero kung babasahin natin ang buong verse, madali natin makikita na ang blessing ni God sa buhay natin ay para siguraduhin na LAHAT NG PANGANGAILANGAN natin, HINDI KAGUSTUHAN, ay mapunan ng Panginoon. Para ang maging focus natin ay kung papaano tayo magamit ng Panginoon para maging blessing sa buhay ng kapwa natin.

image.png

We are blessed to bless. We are blessed to give glory to God. We are blessed to be a blessing to others. God’s blessing is never meant to be kept to ourselves no matter what form of blessing we receive from God - if we receive material blessing, we share material blessing. If we receive the blessing of healing from a serious illness, we share our testimony to give glory to God. We must remember that all blessings are for our good, for the good of others, and above all for the glory of God.

image.png

Photos are mine and taken by me using my A10s
@ San Fenando City, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


image.png



0
0
0.000
0 comments