Paano Tayo Mapapatawad ni Jesus Christ? May pag. -asa pa ba?

avatar
(Edited)

Magandang Araw Po sa lahat. Sana po ay pagpalain ni God Ang Buhay natin sa Araw-araw. Kahit may mga balakid ay kaya nating malutas at matanggap dahil ito ay bigay Ng Diyos para tayo ay subukan kung gaano katatag sa pananalig sa Kanya.


*Video credit to the owner #cttovideo)

Napakaganda Ang pangako Ng Diyos Ama natin. Gaano man tayo kaitim Ng budhi, gaano man tayo kasamang tao ay papatawarin po tayo basta pagsisihan ang mga kasalanang nagawa sa kapwa o kahit sa sarili natin. Walang tao na perpekto. Minsan Kasi, gumawa Tayo Ng hakbang na akala natin ay tama. Minsan din ginagawa tayo Ng kamalian sa Buhay dahil Hindi natin alam na ito ay mali.

Mayroon din tao na kahit mali o Isang kasalanan ay ginagawa pa rin ang isang pagkakamali. Ito nga Ang dahilan kung bakit Tayo ay dumaan sa pagsubok para ma realized natin na dapat pagsisihan ang mga maling ginawa bago pa mahuli na Ang lahat. Sa nalaman ko, basta't Tayo ay magsisisi at e suko natin Ang ating sarili sa Diyos ay tatanggapin Tayo Ng buong puso.

Lagi nating tandaan, nagpakamatay si Jesus para iligtas Ang mga taong makasalanan sa Mundo at magkaroon ng everlasting life after death. Oo, Ang pagsunod sa yapak Ng Diyos ay Hindi biro pero para sa akin, Ang taong dumaan palagi sa pagsubok at mahal Ng Diyos. Hindi niya hinahayaan na makalimot Ang tao pag ito ay sinusubok dahil at para tatawagin Ng tao Ang pangalan ni Jesus Christ sa lahat na Oras.

Minsan, Ang karangyaan sa Buhay ay magdala Ng pagkalimot sa Diyos at ginagawa ang kamalian dahil masaya na sila at walang pinoproblema. Hwag tayo mainggit dahil sila ay ginagamit ni Satanas para taloin Ang kapangyarihan Ng Diyos sa mundong ito. Ngunit kung magbabago Sila sa pananaw sa buhay at habang may Buhay pa Tayo upang iwasto Ang ating pagkakamali, taglay Ng Diyos ang Pagpapatawad at linisin Tayo Ng tulad sa bagong Silang na sanggol.

Kung naranasan natin na Tayo ay mapapatawad na, hwag Po nating I abuso ang tsansa na binigay Ng Diyos sa atin. Totoo, siya ay Dakilang nagpapatawad pero pakiusap ko sa mga nagbabasa nito na ituloy natin Ang paglalakbay sa Mundo sa matuwid na landas at pamumuhay. Ibahagi din natin sa iba at hwag matakot sabihin Ang ating nalaman galing sa mga taong magbigay alam din sa atin.

Sana Po sa Araw na ito, maisip natin na humingi Ng kapatawaran Oras Oras, Araw-araw dahil Ang kasalanan ay pwding magawa natin sa isip natin, sa ating mga mata at tainga o sa ating tabas Ng dila na di natin pala alam. Mas mabuti na hihingi Tayo Ng kapatawaran Araw-araw katulad Ng pagpapasalamat natin sa Araw na nagising Tayo sa pagtulog.

Lagi nating tandaan Ang kamatayan ay parang magnanakaw kahit Anong Oras darating Yan. Ang chance na binigay Ng Diyos sa atin na kapatawaran ay kung Tayo ay nagsisisi noong Tayo ay Buhay pa. Wala Nang silbi Ang mga prayers Ng mga tao para sa atin para patawarin Tayo sa ating kasalanan kung Tayo ay Patay na.

Maraming salamat Po!

Nagmamahal sa Inyo,
@cdaveboyles23



0
0
0.000
0 comments