Ang Pag -ibig Bigay Ng Diyos Ang Kailangan

avatar
(Edited)

Magandang Gabi Po sa lahat.

Isang napakamalungkot na hapon sa inyong lahat. Ang pagsubok sa aking pag-ibig ay Hindi humihinto. Ngunit alam ko Kong Hindi nila ako minahal , may pangako Ang Diyos sa dakilang pag-ibig na walang katumbas.

received_986707369632038.jpeg

Ang naging kasintahan ko sa high school hanggang kami ay nagtatapos sa pag-aaral ay nauwinsa sawing palad dahil hiniwalayan ako. Sana sa panahon na iyon ay nakilala ko Ng lubosan si Jesus dahil iyon Ang sanhi Ng hiwalayan Namin. Gusto Kasi niya sasama Ako sa relihiyon niya. Iniwan Ako ar sumama siya sa lalaki na Kasama sa relihiyon niya. Isang taon na Hindi Ako naka move on ngunit nakayanan ko rin kahit dumaan Ako sa pinakamasakit na yugto ng buhay pag-ibig.

Nawala Ang tiwala ko sa salitang pag-ibig. Nagkaroon ako Ng takot na umibig ulit. Maraming babae pero Hindi Sila Ang tawag Ng damdamin ko. Hindi Sila Ang tibuok Ng puso ko.

Hanggang nakilala ko a g Ina Ng akingga anak. Takot pa Ako umibig ngunit nagdakantao siya na kailangan pananagutan at ayaw Ng Ina ko na isilang ang bata na bastardo o bastarda. Nagkaroon kami ng dakawang anak na babae. Masaya kaming pamilya ngunit sinubok Ng isang hindi inaasahan pangyayari kung kailan sana ay e promote na Ako sa aking trabaho sa munisipyo. Pinapaaral pa nila Ako ngunit dahil sa inggit at maling kaibigan na tinuring Kong kapatid , siya Ang magdala Ng diyablo sa buhay ko habang siya malayang mamumuhay.

Muntik akong bumigay sa loob ngunit Ang Pag-big na tunay ni Jesus Christ, nagpapatatag sa akin . Palagi kami isinalang sa Bible study sa loob. Ang isip ko Ang pag-ibig sa pamilya ay itaguyod ko paglabas ko. Doon ko na realized mahal ko ang babae sa Buhay ko, Asawa, anak, Ina at Auntie ko. Gusto ko buo kami multi sa paglisan ko sa yungib na iyon.

Sa kasamahan palad Hindi pa Ako nakalaya ay pinslaya na Ng Asawa ko Ang kanyang Sarili sa ibang pag-ibig. Tadhana ba Naman ngunit Hindi Ako sumuko. Pinatawad ko siya ngunit inayawan niya talaga Ako. Sa palagay ko Hindi pag -ibig Ng Diyos Ang inigawan niya saakin. Pinatawad ko pa rin ngunit Hindi na kami nagsasama pang muli. Ang namamagitan sa amin ngayon ay Bilang magulang sa mga anak Namin.

Ngayong Araw na ito, inilahad niya na Wala Ng pag -asa Ang pagbabalikan Namin na sa totoo ay inaasahan ko para at alang alang sa mga anak Namin na babae. Ngunit ayaw na niya sa akin. Ngayon Ako ay pump Ng sakit, Nasaan ba Ang Pag-big? Ngunit Ang sagot Ng Diyos sa tanong ko,, Anak, darating Ang tunay na pag-ibig kung Ako Ang Iibigin mo Ng tunay.

Salamat Po Lord God, Jesus Christ sa pag-ibig na puno Ng PAG-ASA at Dangal Hindi katulad sa mga marupok na pag -ibig sa mundong ito.

Maraming salamat sa mensahi patungkol sa Pag-ibig.

Iibigin ko Sarili ko muna, mga anak , Ina at mga taong nagmamahal sa akin. Hindi Ako nawalan Ng pag -asa dahil Ang Dakilang Pag-ibig ay igagawad sa may tunay na Pag-ibig na walang kundisyonis.

Umaasa Ako sa Tunay na Pag-ibig na I ibigay Ng Diyos sa amin Ng mga anak ko.

Nagmamahal,
@cdaveboyles23



0
0
0.000
4 comments
avatar

Nakakalungkot naman ang iyong storya, pero wag ka nawalan ng pagasa dhail lahat ng bagay ay may reason kung bakit nangyayari. Marahil ay may ibig ituri ang Dios sa atin sa mga pangyayaring ito uoang maging mas mabuti pa sa mga haharapin. God bless po @cdaveboyles23

0
0
0.000
avatar

Maraming salamat Po at dito ay napaoalabas ko Ang Damdamin ko. Salamat sa supporta Isang malaking bagay ito ay mas masabi ko po Ang lahat dahil ay Tagalog ang pagsulay. Naniniwala Po Ako sa Diyos at siya may alam kung bakit ganito Ang pangyayari. Para sa dalawa Kong anak, Sila Ang bigyan Kong halaga sa ngayon. Maraming salamat ulit. Pagpalain Po Nawa ni Jesus tayong lahat.

0
0
0.000
avatar

samahan ka nawa ng Dios kapatid sa pagtataguyod ng iyong mga anak

0
0
0.000